Select an answer to see feedback and explanation.
1. Labis na pagkapagod ang nadarama ng aking ina sa sobrang pagtatrabaho. Ano ang payak na anyo ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap?
2. Mahilig sa mga gadget si Jenny. Madalas ay hindi na siya kumakain at di natutulog sa tamang oras. Hindi na rin nakakapokus sa pag-aaral, kaya hindi siya nakapasa. Ano ang sanhi ng hindi pagpasa ni Jenny?
3. Sa makabagong panahon, maraming kabataang millennial ang naniniwalang ang tagumpay ay madali nilang makakamit. Tulad ni Mina, dahil magaling sa computer, positibo siya na makapagpapapatayo ng computer shop. Batay sa nabasa, ano ang maaaring mangyari kay Mina?
4. Si Karen ay nagmamay-ari ng maliit na panaderya sa kanilang bayan. Sa loob ng isang buwan, napansin niya ang pagbaba ng kita dahil sa mainit na panahon na nagdudulot ng mabilis na pagkasira ng mga tinapay. Bilang resulta, kailangan niyang itapon ang maraming produkto araw-araw. Nais ni Karen na maiwasan ang pag-aaksaya ng tinapay at mapanatili ang kalidad ng kanyang paninda. Habang nag-iisip ng solusyon, napag-usapan nila ng kanyang kaibigan na si Ella ang paggamit ng refrigerator para mapanatiling sariwa ang tinapay. Gayunpaman, mataas ang gastos sa kuryente, at limitado ang kanyang budget. Nais ngayon ni Karen na tukuyin kung ang paggamit ng refrigerator ay angkop o may iba pang solusyon na maaaring subukan. Ano ang unang hakbang na maaaring gawin ni Karen upang matugunan ang problema ng mabilis na pagkasira ng kanyang mga tinapay?
5. Matapos makapanayam ang ibang panaderya, natutunan ni Karen ang tungkol sa paggamit ng refrigerator at mga airtight na lalagyan. Ano ang pinaka-angkop na hakbang na maaaring gawin niya upang mapanatili ang sariwang kalidad ng tinapay nang hindi masyadong gumagastos?
6. Kung hindi magiging sapat ang airtight na lalagyan, ano ang maaaring alternatibong solusyon na maaaring subukan ni Karen upang maiwasan ang pag-aaksaya ng mga produkto?
7. Mahilig kumain si Luisa ng kendi, cake, at ice cream. Madalas din siyang uminom ng softdrinks. Ayaw niyang uminom ng gatas. Iniiwasan din niya ang pagkain ng gulay at prutas. Ano ang maaaring mangyari kay Luisa kung ipagpapatuloy niya ang ganitong gawi?
8. Ayon sa babala ng Department of Health (DOH), may mga dapat gawin at iwasan ang mga tao, kaugnay ng COVID-19. Mahihinuhang ang layunin nila ay:
9. Kaya naman hindi masamang mag-log-out muna tayo sa social media at muling balikan ang mga bagay na nagpapasaya dahil hindi sa internet makikita ang sagot sa tanong na βSino talaga ang totoong ako?β kung hindi sa ginagalawan nating tunay at makulay na mundo. (Halaw sa sanaysay ni Jason Renz D. Barrios na ang *Pinakamagandang Pamato sa Larong Piko*) Alin sa sumusunod ang nais iparating ng manunulat sa talatang nababasa sa itaas?
10. Ah! Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman, lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo, kaya tinulungan mo ang tigre. Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat manatili ang tigre sa hukayβ, ang hatol ng kuneho. (Halaw sa pabulang mula sa Korea na isinalin sa Filipino ni Vilma Ambat na *Ang Hatol ng Kuneho*) Anong katangian ng mga taga-Korea ang masasalamin sa pabula?